Naku...dami dami daming araw na ang nakalipas...hahahaha...nagsimula na ang summer classes ko at matatapos na ngayon lang ako nakapost...iba na talaga pag busy y'know...well...masaya naman ako ngayon kasi magbabakasyon na...namiss ko ang matulog ng hanggang tanghali, kapatid ko, bahay, lutong bahay, aso ko, manood ng tv (pasensya na walang tv sa dorm ko) at marami pang iba pa...pero syampre mamimiss ko din ang duty, kalokohan ng mga group mates, ang floridablanca pampanga, mga nakakainis na CI at marami paring iba
Ang summer na ito ay sobrang memorable kasi maraming akong natutuhan di lamang sa theorya kundi ang pakikisama sa ibang tao...mga taong napalapit na sa akin at sa aking mga groupmates....ang mga taga-Floridablanca, Pampanga....10 araw din ang nilagi namin doon at naramdaman namin na sobrang mahal nila kami....di naming inaasahan na maattach kami sa lugar na yun dahil nung simula ay ayaw talaga namin pumunta dun kasi kesyo mainit o malayo pero mali pala kami...naiyak kami nung paalis na kami at ang pinakanagpaiyak sa amin ay nung pasakay na kami sa bus ay nagiyakan na ang mga bata...tumatakbo sila at hinahabol ang bus namin na lumuluha...sobrang di ko malilimutan ang mga oras na iyon...talagang nakakaantig ng damdamin
Ummm...ano pa ba?
Minsan pasakay ako ng elevator kasama ang 5 classmates ko...may nakasabayang kaming mga 9 lalake at isang lalake na naka wheelchair...pasara na ung elevator tapos biglang pasok isang balingkinitan na babae....tapos...*beeeep*....overweight na...lumabas sya...akala ko hihintayin nya na ung susunod na elevator...tapos pasok sya ulit...*beeep*..umalis na sya...sumara na ung elevotor
lalake 1: ang bigat naman nun
lalake 2: dami sigurong dalang ginto?
lalake 3: o kaya bakal
lalake 1: akala nya lulusot pa sya
mga classmates ko: *hagikgikan*
Try ko ulit sumulat....:D